Gaano Kalala nga ba Talaga ang Problema ng Droga sa Pilipinas?

Gaano kalala nga ba talaga ang problema sa droga dito sa Pilipinas, lalo na kapag inihambing na sa iba pang mga bansa? Ang pamamahayag ni Rodrigo Duterte at ng kanyang mga Dutertards ay parang lumalabas na ang bansa natin ngayon ay malapit ng maging isang “Narco State” o “Estadong Narkotiko”.

Ang website na “Recovery Brands” ay nangolekta ng data mula sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at inilatag ito sa isang artikulo.1 Mga pinaka-interesanteng bahagi ng artikulong iyon ay isang Infographic na nagpapakita ng “Drug Use per Country” batay sa uri ng droga na kung saan ay pinoposte ko rin dito.
Drug Use per Country

Ngayon, kung titingnan mo ang mga data, ang Pilipinas ay PANGALAWA sa bilang ng mga gumagamit ng AMPHETAMINES (Shabu) na may tinatayang 2% ng populasyon ang gumagamit nito, kaya meron nga talaga tayong problema sa droga. Subalit ang tanging droga na ginagamit ng mga Pilipino ay ang Shabu, at hindi ang iba pang droga tulad ng Cannabis (Marijuana), Cocaine, Ecstacy, etc.

Gayundin, habang tayo napapabilang na pangalawa sa listahan, may mga iba pang mga bansa na malapit sa ating bilang ng 2% ng populasyon na gumagamit ng Shabu, at ito ang AUSTRALIA, NEW ZEALAND, at ang ESTADOS UNIDOS.

Kung titingnan namin sa iba pang mga droga tulad halimbawa ng Kokaina, may anim na mga bansa ang kung saan hindi bababa sa 2% ng kanilang populasyon ang gumagamit ng mga bawal na gamot, at ito ang SCOTLAND, SPAIN, ang UNITED STATES, ENGLAND AT WALES, AUSTRALIA, URUGUAY.

Ang mas nakakagulat na numero ay ang para sa Marijuana na kung saan may PITONG mga bansa na hindi bababa sa SAMPUNG PORSIYENTO ng kanilang populasyon gumagamit nito. Ang mga bansa ito ay ang AUSTRALIA, BERMUDA, CANADA, NIGERIA, NEW ZEALAND, ang ESTADOS UNIDOS at ICELAND.

‘Mga Pagmamasid’
Batay sa nalalahad sa itaas, tila nga meron tayong malaking problema sa droga, tiyak na pinakamasama sa Asya ngayon. GANUN PA MAN, ang problemang ito ba ay nararapat na i prayoridad ang paglutas KESA sa iba pang mga problema ng bansa tulad ng KAHIRAPAN, URBAN CONGESTION, atbp? Ang problemang ito ba ay nararapat na gamitan ng Extra Judicial Killings (EJK) upang “malinis” ang bansa sa Drug Addiction? Hindi ako naniniwala na nangangailangan ng ganito.

Tingnan nati ang ibang mga bansa tulad ng US, Australia, Spain, England, at iba pa na kung saan hindi bababa sa 2% ng kanilang populasyon ang gumagamit ng mas mabagsik na drogang Kokaina, nakikita nyo bang sila ay gumagamit ng EJKs?

At paano ang tungkol sa mga isyu ng Marijuana na kung saan ang mga bansa tulad ng Canada, New Zealand, at iba pa ay hindi bababa sa 10% ng kanilang populasyon ang gumagamit nito? Isa sa bawat sampung tao sa mga bansang iyon ang gumagamit ng Marijuana.

Kailangan din nating tingnang mabuti ang Australya at ang US na kung saan ang mga bansang ito ay palaging nasa tuktok ng listahan ng pinakamaraming gumagamit ng droga kesyo ito ay Shabu, Marijuana, Ecstacy, Opium, atbp. Ang dalawang bansa ito ay pihong mas may malaking problema sa droga kesa sa atin, ngunit hindi mo sila nakikitang gumagamit ng Drug War katulad ng ginagawa ng gobyerno natin ngayon.

‘Panghuling Ulat’
Oo, mayroon nga tayong problema sa droga, at kailangan nga nitong ma solusyunan. Gayunpaman, hindi sa tingin ko ito ay ang uri ng problema na kung saan kailangan nating gumawa ng hindi pangkaraniwang mga hakbang upang malutas kagaya ng pag gamit ng EJKs.

Ang ibang mga bansa na mas malala pa ang problema sa droga kesa sa atin e hindi naman nakikitaan ng ganito katinding reaksyon kagaya ng ginagawa ng gobyerno natin ngayon, kaya bakit nangyayari ito? Dahil ang problema natin sa droga ngayon ay higit pa sa pang kalusugan o pang sosyedad na isyu, ito ay naging isang PAMPULITIKANG isyu na sinasamantala ng ilang grupo para maisulong ang kanilang mga hangarin. Ganyan lang po ka sim-ple iyan.

PINANGGALINGAN:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s